Sunday 5 July 2015

Aquino Binigyan ng Iskolarship ------Allysha Danielle Tadios

Si Psalm Deniel Aquino, na isang manlalangoy sa ACT, ay hinandugan ng full scholarship ng paaralan para sa pag-aaral niya sa hayskul.

                 Isa talaga itong karangalan sapagkat siya ay ang kauna-unahang mag-aaral na nakatanggap ng ganitong alok.

                 Ayon sa isang panayam kay Bb. Floramae Arain, nabanggit niya na isa sa mga rason kung bakit naisipang gawaran si Aquino ng scholarship ay dahil sa kanyang mga nakamit sa larangan ng paglangoy.

               Hindi lang siya kilala sa buong ACT o sa probinsiya ng Cebu kundi tanyag din siya sa buong Pilipinas maging sa mundo.                             
               Kabilang siya sa listahan ng mga magagaling na manglalangoy sa buong mundo.

              Ngayon, si Aquino ay nasa Aklan para sa isang kompetisyon at umaasang maiuwi ang tropeyo dito sa Cebu.





No comments:

Post a Comment