Monday, 22 June 2015

WALANG BALANCED DIET, WALANG KINABUKASAN --- -Noreen Sumalinog

   Sa tuwing naririnig ang katagang balanced diet ano ang karaniwang pumapasok sa ating mga isipan? Mga pagkain o inumin na masustansysa.  O di kaya’y para sa kaayusan ng ating pangangatawan.
    Sinasabi na kung hindi balanse ang diyeta natin may posibilidad na  makakaapekto ito sa ating mga blood tissues, sa ating utak at ng buong nervous system. Nakakaapekto rin ito sa ating paglaki. Ang mga problemang ito ay mas madalas nararamdaman ng mga mahihirap.
     Malnutrisyon. Yan ang tawag nila. Ito ay isang kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Sinasabing ang mga malnourish na tao ay walang sapat na kalorya sa kanilang pagkain o hindi kaya kumakain lang ng pagkain na kulang sa kakailanganing protina, bitamina o mineral.
     Ayon sa pananaliksik  ang pangunahing  sanhi ng malnutrisyon ay kahirapan.  Sapagkat kung ikaw ay mahirap lamang wala ka nang masyadong  mabibili sa iyong kakaramput na kita kung kaya’t, kung anu-ano na lamang ang ipapakain mo sa iyong pamilya upang maibsan lang ang gutom. Ni hindi na nga minsan naiisip kung nakabubuti o nakasasama ba sa katawan ang bawat pagkain na ipinapasok sa sikmura. Sa kasamaang pa-lad, ang kadalasang apektado ng malnutrisyon ay ang mga bata.
     Dito sa Pilipinas kalahating milyon sa mga bata na nag-aaral ay nagdurusa sa grabeng malnutrisyon. Ayon sa DepEd o Department of Education 562,262 na mag-aaral sa Kindergarten at Elementarya na pumapasok  sa mga publikong paaralan ay sinsabing “severely wasted.” Ibig sabihin sila ay nasa malalang sitwasyon ng pangangatawan. 
      Ang Probinsya ng Antique ay may pinakamataas na bilang ng mga malnourish na bata sa edad na limang taon hanggang sampung taong gulang. Kasunod ng Antique ay ang mga probinsyang Sarangani, Sulu, Capiz,at Nothern Samar.
    Ayon din sa National Statistical Coordinating Board, tatlo sa sampung pamilya sa Antique ay mahihirap. Sa Central Visayas naman ang Cebu ay ang nangunguna sa malnutrisyon sa taong  2012 at ang dahilan din ay walang iba kundi ang kahirapan.
   Kung ang mga bata ay pumupunta sa paa-ralan na hindi kumakain mawawalan na sila ng ganang making sa mga aralin o di kaya’y mawawalan ng ganang pumasok dahil hindi nila naiintindihan ang mga leksyon sapagkat sila’y gutom. Alam naman natin na sa he-nerasyong ito kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral hindi mo maiahon ang iyong pamil-ya sa kahirapan. Sa panahon ngayon kung ang tao ay walang pera para bumiili ng pagkain na masustansya bibili nalang sila ng pagkain na kaya ng kanilang bulsa kahit masama ito sa kalusugan.
       Minsan lang silang makakain ng masasarap at masustansyang pagkain. Masuwerte na nga sila kung mayroon nakahandang ulam. Kung minsan pa nga ay nagdidildil lang sila ng asin para may lasa ang kanilang kinakain.  Kahit nga ang isang supot ng tuyo ay pinaghahati-hatian pa.
       Sa ngayon,  ang World Health Organization at Department of Health ay nagsagawa ng “Operation Timbang” sa mga lugar na mataas ang kaso ng malnutrisyon. Ang      DepEd rin ay bumuo ng isang programa na school-based feeding program para makatulong sila sa mga malnourish na bata para  kahit papano gugustuhin naman nilang pumasok at mag-aral. Nagkaroon ng proyektong taniman ng mga gulay ang mga pampublikong paaralan upang palakasin ang kanilang panawagan kontra malnutrisyon. Sa kabila ng pagsisikap ng DepEd na matugunan ang problemang ito ay hindi pa rin sapat, dahil sa kakulangan ng pundo.  Kung kaya’t ang nakabenipisyo sa proyektong ito ay ang 42,372 na sinsabing “severly malnourished pupils” o yung malala na ang kondisyon ng pangangatawan.
      Hindi lang tayo dapat laging umasa sa pamahalaan. Dapat tayo mismo ay gumawa ng hakbang upang wakasan ang problemang ito.  Mag-isip ng mga alternatibong paraan upang maibsan ang gutom at higit sa lahat malnutrisyon.
        Wag gutomin ang sarili.  Kinakailangan nating maging malusog at malakas para sa ating kinabukasan.
        Hindi kailangang maging mayaman upang maging malusog. Maging malikhain upang makaiwas sa sakit.

          


No comments:

Post a Comment