“World Peace”, ito ang kalimitang sagot ng mga kalahok sa patimplak sa kagandahan kagaya ng Miss Universe at Miss World kapag sila ay tinatanong kung ano ang kanilang nais mangyari sa ating mundo. Ang kapayapaan ang pinakamimithi ng bawat tao. Ngunit may isang pangyayaring gumimbal sa damdamin ng tao. Ito ay ang sigalot kamakailan lang sa Syria. Noong nakaraang Setyembre, niyanig tayo ng balita tungkol sa paggamit ng rebeldeng Syrians ng Chemical Arms na siyang kumitil sa buhay ng maraming sibilyan lalong- lalo na ang mga inosenteng bata. Dahil sa pangyayaring ito, kaagad-agad gumawa ng pananaliksik ang miyembro ng grupong Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) at United Nations(UN) kung anong klaseng mga armas nga ba ang ginamit sa labanan.
Ang bansang Amerika ay kaagad-agad na tumugon sa pangyayaring ito sapagkat nakinita nila ang pangangailangan ng mga mamamayan ng Syria sa kanilang tulong. Ni hindi man lang nagdalawang-isip ang Amerika sapagkat malaking pinsala ang nagawa ng kaguluhan sa Syria sa mamamayan nito. Napag-alaman din ng Amerika na nilabag ng Syria ang batas ng UN laban sa paggamit ng Chemical arms kung kaya kahit wala pang resolusyong ipinalabas ang UN sa problemang ito kaagad-agad silang gumawa ng paraan.
Sa kabilang dako, ang gobyerno ng Russia sa pamumuno ng kanilang presidente sa si Vladimir Putin ay tumulong din sila sa gobyernong Syria upang masugpo ang problema. Ngunit sa mabilisang aksiyon at desisyon ng Amerika na gumawa ng paraan, hindi sumang-ayon ang Russia dito. Ayon sa kanila,ang padalus-dalos na hakbang ng Amerika ay hindi makatarungan. Dapat daw kailangan muna nilang tingnan ang dalawang anggulo bago magdesisyon. Ayon kay Presidenti Putin, hindi raw nila palalampasin kung mapatunayan sa imbestigas-yon ng UN na may kinalaman nga ang gobyernong Syria sa paggamit ng Chemical arms.
Dahil sa pangyayaring ito, natinag ang damdamin at isipan ng tao dahil sa reaksiyon ng dalawang bansa. Kaagad nabigyang hinuha ng mga tao na magyayari rin ba ang nangyari noon. Kung ating babalikan ang kasaysayan ng mundo, ang bansang Russia at Amerika ay mga bansang kasali sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Ang Amerika kabilang sa Allied Powers at ang Russia naman ay sa Axis Powers. Nagtatanong ang karamihan kung ito na nga ba ang simula ng Ikatlong Pandaigdigang Kaguluhan. Ikatlong Pandaigdigang Digmaan? Hindi ba tayo nahihibang?
Ki posible o imposible man na mangyari iyon dapat hindi tayo nag-iisip ng ganoon. Masyado tayong negatibo at pinalaki kaagad ang isyu. Hindi pa nga nag-iisip ang bansang Amerika at Russia ay ganoon kaagad ang ating reaksiyon. Hindi rin naman siguro natin masisisi ang mga tao sapagkat gumawa kaagad ang Amerika ng pagkilos kahit wala pang desisyon. Hay naku, mga lider ng Amerika baka naman pansariling interes lang ang iniisip ninyo. Ano nalang ang magiging kahihinatnan nito sa nakakarami. Ang mas mabuti pa ay tutukan na lamang ninyo ang problema sa inyong sariling bansa. Hindi ang problema ng ibang bansa. Wag mag-alala sapagkat mayroon namang United Nation, ang organisasyon na tumututok sa problema. Ang palagi naman iniisip nang UN ay ang kapakanan ng kanilang mga miyembro at higit sa lahat ang kapayapaan. Ika nga WORLD PEACE!!!!
Floramae Arain is a fellow teacher and supportive friend whom I asked help from to complete the month's newsletter
ReplyDelete