Thursday, 18 June 2015

ISUOT ANG PAGKA-PILIPINO! - -Nhydya Nazareno

     Pinagdiriwang ng mga Asianista ang Buwan Ng Wika na suot ang mga Filipiniana at Barong Tagalog. Isang buong araw na tila pagbabalik kasaysayan sa ating pagiging totoong Pilipino.
     Sa ika-31 ng Agosto, ang mga mag-aaral, guro, mga kawani sa opisina at pati ang  punungguro ng eskwelahan ay nagsuot ng iba’t ibang kasuotan noong panahon .
     Mula sa baro’t saya hanggang sa mga magagarang Maria Clara at mala-Imeldang damit ang makikita na suot ng mga babae.   
     Mula naman sa kamisa de tsino hanggang sa mg magagarbong barong tagalong ay makikita na suot ng mga lalaki. Ngunit hindi naman ito isang paligsahan ng kasuotan.
     Ang layunin nito ay para makilala ng bagong henerasyon at para mabuhay muli ang mga puso sa lahat kung ano talaga tayo— kung ano talaga ang kahulugan ng isang totoong Pilipino.
Hindi lang kulay o ganda ang ipinakita sa pagsuot ng ating pambansang kasuotan. Nagsasabi lang naman ito na tayo ay Pilipino, ay tayo ay iisa.
     Ipinakita nito ang kulay ng ating pamumuhay, mga tradisyon at ang ganda ng ating bansa at katauhan.
     Malaking suporta naman ang nakuha ng paaralan mula sa mga magulang ukol nito. “It’s good because at a young age, they give an importance to the Filipino cutlture...” sabi ng isang ina.
     Dahil kahit maliit lang ang bagay ang pagsuot ng pambansang kasuotan, malaki na ang magagawa nito para maibalik at pasiklabin ang ating kultura, ang ating kasaysayan at ang ating pagka-Pilipino.
     Ang pagsuot ng mga nabanggit na kasuotan ay isa lang naman sa maraming simbolo ng ating pagkakaisa bilang Pilipino at mahalaga ito.
      Mabuhay tayong mga Pilipino!

-Nhydya Nazareno
(DSPC 2011 Editorial Writing, 2nd Place)





No comments:

Post a Comment