“Sex Work and The Law in Asia and The Pacific” ay ang bagong suhestiyon ng United Nations (UN) sa Pilipinas. Sa mas medaling salit: Ang pagsasabatas ng prostitusiyon.
Kung akala mo na malinaw at patas na ang batas para sa LAHAT, akala mo lang iyon. Nilinaw at pinatunayan ng UN na may mga butas ang ating batas.
Patas ba na ang mga nagmamay-ari ng mga estabilisasyong nagbebenta ng mga babaeng mababa ang lipad ay makakawala lang sa pagsasabi na hindi sa kanila nagtatrabaho ang mga babaeng ito? Patas ban a ang mga taong ito na kapag naabusong sekswal ay hindi makapagsampa ng kaso kahit may Anti-Rape Law?
Dapat respetuhin ang karapatan ng lahat ng tao. At ipinakita ng UN sa pamamagitan ng kanilang proposisyon.
Kapag naaprubahan na ito ng gobyerno, magkakaroon na ng malinaw na karapatan ang mga ‘prostitute’. Imoral man ang ginagawa nila, tao rin sila na may mga karapatan. Ang batas na ito ay magbibigay kapangyarihan para ang mga taong may ganitong klaseng trabaho ay mabibigyan ng mga benepisyo at pensiyon.
Si Davao City Mayor Sara Z. Duterte-Carpio ay isa sa mga sang-ayon sa proposisyon ng UN. Kapag tuluyang naaprobahan, maaring magkokontrol ito sa isyu/usapin ukol sa HIV/Aids.
Ngunit kapag mabanggit ang salitang prostitusyon, ang lalabas ay ang kabastosan ng nasabing Gawain at hindi ang lahat ng katotohanan na nasabi. Hindi ba? Bakit ganito? Dahil nakatatak na sa ating mga dugo na ang prostitusyon ay marumi at imoral. Tayo ay mga desenteng Pilipino at hindi tayo pinalaki para mambastos at bastusin.
Sina Cagayan De Oro Councilor Ian Mark Nacaya at Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo ay dalawa lang sa marami na hindi sumang-ayon. Kapag nasa sa ayon na sa batas ang prostitusyon, ang halaga ng mga babae ay magiging katumbas lang ng isang kagamitan na mabibili sa kahit saan. Ang pagsasabatas nito ay nagmumungkahi lang ng pag-aabuso. Nasaan ang respeto para sa sarili at kapwa?
Mabuti nalang na ang Pilipinas ay patuloy na nakikipagtunggali sa prostitusyon. Lumalaban tayo sa pagiging marangal, lumalaban tayo para sa respeto.
May mga bagay-bagay, kultura at paniniwala na dapat nating igalang.
- Nhydya Nazareno
(DSPC 2011 Editorial Writing, 2nd Place)
No comments:
Post a Comment