May mga taong inilalaan ang kanilang buhay para isalba ang buhay ng mga taong
nangangailangan. Sila’y nandiyan upang matigil ang nangyayaring krimen sa ating bansa araw-araw. Sila’y walang iba kundi ang mga Pulis.
Cop in EDSA 'hulidap' surrenders | Metro, News, The Philippine Star | philstar.com -- photo from Google |
Pero ngayon ang katanungan ay dapat nga bang pagkatiwalaan ang mga pulis kung sila nga mismo ay gumagawa rin ng krimen?
Ngayon, marami nang lumalabas na balita ukol sa mga pulis. Mga balitang nasasangkot sila sa nakawan, patayan at iba pa. Ang sabi ng Police Regional Office (PRO-3) na umabot sa 204 na kasong pampangasiwaan ang sinampa sa mga pulis di kagaya noong isang taon na umabot lang ito ng 32. Ano kaya ang rason kung bakit nagkakaganito ang ating pulisya?
Ayon sa Coalition of Filipino Consumers o CFC,,isang grupo ng consumers na may 600,000 na miyembro, ang Philippine National Police (PNP) ay isang “rogue organization” kung saan ipinahayag nilang marami ngang ginagawang krimen ang pulisya. Tulad ng kidnapping,pangingikil at iba pa.
Isa sa mga nasangkot ay ang kanilang hepe na si Alan Purisima. Kinasuhan ng CFC si Purisima ng graft, plunder at indirect bribery noong September 22, 2014. Ayon sa CFC ang rason kung bakit nila kinasuhan si Purisima ng graft ay sa kadahilanang hindi niya ideneklara ang mga assets niya, sa plunder at indirect bribery naman ay kung bakit siya nakapagpapatayo uli ng mansiyon na nagkakahalaga ng P25 milyon. Ang nasabing mansiyon ay binansagang “White House”. Ang tanong pa nga ng nakakamarami ngayon ay kung paano nakukuha ni Purisima ang kanyang “Ill-gotten wealth”.
Nakapanlulumong isipin na mismong Hepe pa ang nasangkot sa ganitong kaso. Kung tutuusin, siya ay isang lider at may mga umaasa sa kanyang mga tao.
May isang balita ring ukol sa pitong pulis na mula sa Manila Police District (MPD) ang nasangkot sa robbery extortion. Isang Pakistanong casino financer ang nagreklamo sa MPD na inaresto siya sa kasong anti-car theft na hindi naman totoo. Ang mas masaklap pa ay ninakawan ng malaking halaga ng pitong pulis ang nasabing biktima. Ayon kay Joseph Estrada, ang Mayor ng Manila, malaking kahihiyan ang ginawa ng mga pulis na iyon.
Kung titingnan nating mabuti parang napakahirap ng buhay nila at kailangan pang gumawa ng krimen. Kahit may sahod sila hindi ito sapat para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ayon kay Pulis na Pogi, isang blogger, ang mga pulis raw ngayon ay parang isang squatter area. May mga pulis na walang mabuting tinitirhan, ang iba ay kumukuha ng loan at iba pa. Sinabi rin ni Satur C. Ocampo, isang editoryal writer ng Philstar, na humuhuli daw ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga “mistaken identity” na sinasabi nilang lider ng New People’s Army (NPA) para lang makuha ang pabuyang nagkakahalaga ng milyones.
Ano kaya ang rason? Di kaya’y pera? Dahil hindi malaki ang sahod nila, ginagamit na lang nila ang kanilang kapangyarihan upang makuha ang gusto nila kahit hindi naman tama.
Wag rin natin kalimutan na marami naman silang mabuting ginawa kagaya ng mga pulis saWestern Visayas. Ayon kay Police Chief Superintendent Josephus Angan ng Western Visayas ang bilang ng krimen nila doon ay bumaba. Noong January hanggang September 2013 umabot sa 126,297 ang krimen sa Western Visayas pero ngayong January hanggang September 2014 bumaba ito ng 97,043. Sinabi niya na marami silang ginagawa na mga seminar ukol sa crime solution, clearance efficiency at mga iba pang crime prevention.
Maraming paraan ang pwede natin gamitin para malaman kung sino sa mga pulis ang gumagawa ng katiwalian. Isa na dito ang pagsasagawa ng lifestyle check. Dapat na-ting malaman kung anong klaseng pamumuhay ang kinagigisnan nila noon at ngayon para malaman natin ang totoong pagkatao nila. O, di kaya’y pwede namang gamitin ng mga tao ang teknolohiya ngayon upang maipalam sa mga mambabatas o sa mga pulisya ang mga katiwaliang ginagawa nga mga pulis.
Ang pagiging isang pulis ay dapat panindigan. Dumidenpende ang mga tao sa kanila kaya dapat nilang ipakita na sila ay mapagkakatiwalaan. Dapat din nilang malaman na kung wala sila walang kapayapang mangyayari dito sa Pilipinas kung tutuusin sa kanila magsisimula ang paging mapayapa dahil nabubuhay sila sa batas.
No comments:
Post a Comment