Showing posts with label editorial. Show all posts
Showing posts with label editorial. Show all posts

Thursday, 25 June 2015

Fight over Wealth in the Spratlys------ Maria Lallene Cinco

                  People would be much irritated when total strangers step on their rights. How much more to someone they actually know? When this happens you may just let it pass, but what if it happens again? Are you just going to pretend nothing’s wrong or are you going to make a move?
                  Territorial disputes in the South China Sea involve both island and maritime claims. Brunei, China, Taiwan, Indonesia, Malaysia, Philippines and Vietnam are claiming each other’s territory basing on their  Exclusive Economic Zones. That’s their right but these islands including the waters surrounding them are rich when it comes to resources.
You can be dubbed rich if you have a lot of money especially on natural resources as reserves. Mercantilism, I guess?
        We might think crude oil is just an ordinary product but it isn’t. It was even once one of the reasons why there was a fish kill in the west. It was a big loss for the oil company. Crude oil can be transformed to various forms of petrochemicals. Gasoline is one and persons owning oil companies are rich here in the Philippines, take note.
       South China Sea has a lot of crude oil reserves. The Ministry of Geological Resources and Mining of the People’s Republic of China estimates that the South China Sea may contain 17.7 billion tons of crude oil compared to Kuwait with 13 billion tons. In the years that followed after the said announcement intensified the claims regarding the islands.
         Fishes are for food not for riches but why is that there are people who are after them and harvest species of them in great numbers?; in other words, EXPLOITING. This should be stopped because fishes may not reproduce enough to replace much of what have been harvested. Corals are one of the most beautiful things and they’ve been slowly destroyed.
        South China Sea is abundant in terms of marine life. In 1988, it was believed to have 8% of the world’s fishing catches and this is a figure that grows continuously.
The coral reefs in these waters are home to numerous species of fishes. They provide  good environment for breeding and production of more animals.
       South China Sea is the busiest shipping route, In the 80’s, at least 270 merchant ships used the route every day. These days, more than half of the tonnages of oil are transported by sea pass through these waters.
       Maritime traffic was often evident in the South China Sea; three times more than Suez Canal, five times than the Panama Canal.
        To conclude, all the states fighting over these territories in the South China Sea are just after the money in which the islands and waters are great sources of.

Cartoon by Prince Irrel Santillan



Wednesday, 24 June 2015

GULO SA MINDANAO: ANO NGA BA’NG UGAT?------ Jacqueline Sampaga & Floramae Arain

Editorial Cartoon by Prince Irrel Santillan
                  Noong nakaraang linggo, naging laman ng balita ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo natin at ng MNLF. Daan-daang residente ang inilikas upang makaiwas sa labanan. Ngunit saan nga ba nag-ugat ang hindi pagkakasunduan ng ating pamahalaan at ng MNLF?
                  Balikan natin ang ating kasaysayan, ang isa sa naging ugat ng hidwaan ng mga Pilipino ay ukol sa relihiyon. Ito ay ang relihiyong Islam at Kristiyanismo. Pilit nilang  ipinaglaban ang kani-kanilang paniniwala. Kanya-kanyang paniniwala na nagdulot ng hindi pagkakaunawaan. Pwedeng ito rin kaya ang dahilan ng hidwaan ngayon?
Ayon sa ibang pagsusuri, ang dahilan ng MNLF sa ginawang pag-alsa laban sa   gobyerno ay ang kagustuhang magkaroon ng sariling pamayanan para sa Mindanao; Pamayanang Malaya sa mga bagay na gagawin sa aspetong pang-ekonomiya, pangpulitika at panglipunan.
Ang isa pang anggulong tinitingnang dahilan ng kaguluhan ay ang anomalya ng mga pinagkakatiwalaang mga pulitiko. Isa raw itong estratehiya upang hindi pagtuunang pansin masyado ng mga ordinaryong mamamayan ang totoong problema.
Sino sa palagay natin ang dehado sa labanang ito? Ang ating mga sundalo na walang sapat na kagamitan? O ang ating mga inosenteng kababayan?
Kung patuloy pa ang labanang ito, maaring marami pang mga    inosenteng mamamayan ang madadamay. Maaaring ang  kaguluhang ito ang maging mitsa ng  pagbagsak ng ating ekonomiya.
Nasaan na ang bisa ng kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan ng ating pamahalaan at ng MNLF? Hanggang sa papel na lang ba iyon? Ito ba ang diwa ng pangkapatiran?
Saanman hahantong ang pangyayaring ito, kapwa apektado tayo kung hindi magkakasundo ang ating pamahalaan at ang grupong MNLF?
Ngunit kung kayo ang tatanungin, solusyon nga ba sa suliraning ito ang pagbibigay ng sariling kalayaan ng mga kapatid nating Muslim?





Monday, 22 June 2015

HIDWAAN ---- Floramae S. Arain

                  “World Peace”, ito ang kalimitang sagot ng mga kalahok sa patimplak sa kagandahan kagaya ng Miss Universe at Miss World kapag sila ay tinatanong kung ano ang kanilang nais mangyari sa ating mundo. Ang kapayapaan ang pinakamimithi ng  bawat tao. Ngunit may isang pangyayaring gumimbal sa damdamin ng tao. Ito ay ang sigalot kamakailan lang sa Syria.         Noong  nakaraang Setyembre, niyanig tayo ng balita tungkol  sa paggamit ng rebeldeng Syrians ng Chemical Arms  na siyang kumitil sa buhay ng maraming sibilyan lalong- lalo na ang mga inosenteng bata. Dahil sa pangyayaring ito, kaagad-agad gumawa ng pananaliksik ang miyembro ng  grupong Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) at United Nations(UN) kung anong klaseng mga armas nga ba ang ginamit sa labanan.
Ang bansang Amerika ay kaagad-agad na tumugon sa pangyayaring ito sapagkat nakinita nila  ang pangangailangan ng mga mamamayan ng Syria sa kanilang tulong. Ni hindi man lang nagdalawang-isip ang Amerika sapagkat malaking pinsala ang nagawa ng kaguluhan sa Syria sa mamamayan nito. Napag-alaman din ng Amerika na nilabag ng Syria ang batas ng UN laban sa paggamit ng Chemical arms kung kaya  kahit  wala pang resolusyong ipinalabas ang UN sa problemang ito kaagad-agad silang gumawa ng paraan.
               Sa kabilang dako, ang gobyerno ng Russia sa pamumuno ng kanilang presidente sa si Vladimir Putin ay tumulong din sila sa gobyernong Syria upang masugpo ang problema. Ngunit sa mabilisang aksiyon at desisyon ng Amerika  na gumawa ng paraan, hindi sumang-ayon ang Russia dito. Ayon sa kanila,ang padalus-dalos na hakbang ng Amerika ay hindi makatarungan. Dapat daw kailangan muna nilang tingnan ang dalawang anggulo bago magdesisyon. Ayon kay Presidenti Putin,  hindi raw nila palalampasin  kung mapatunayan sa imbestigas-yon ng UN na may kinalaman nga ang gobyernong Syria  sa paggamit ng Chemical arms.

                   Dahil sa pangyayaring ito, natinag ang damdamin at isipan ng tao dahil sa reaksiyon ng dalawang bansa. Kaagad nabigyang hinuha ng mga tao na  magyayari rin ba ang nangyari noon. Kung ating babalikan ang kasaysayan ng mundo, ang bansang Russia at Amerika ay mga bansang kasali sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Ang Amerika kabilang sa Allied Powers at ang Russia naman ay sa Axis Powers. Nagtatanong ang karamihan kung ito na nga ba ang simula ng Ikatlong Pandaigdigang Kaguluhan. Ikatlong Pandaigdigang Digmaan? Hindi ba tayo nahihibang?
               Ki posible o imposible  man na mangyari  iyon dapat hindi tayo nag-iisip ng ganoon. Masyado tayong negatibo at pinalaki kaagad ang isyu. Hindi pa nga nag-iisip ang bansang Amerika at Russia ay ganoon kaagad ang ating reaksiyon. Hindi rin naman siguro natin masisisi ang mga tao sapagkat gumawa kaagad ang Amerika ng pagkilos kahit wala pang desisyon. Hay naku, mga lider ng  Amerika  baka naman pansariling interes lang ang iniisip ninyo. Ano nalang  ang magiging kahihinatnan nito sa nakakarami. Ang mas mabuti pa ay tutukan na lamang ninyo ang problema sa inyong sariling bansa. Hindi ang problema ng ibang bansa. Wag mag-alala sapagkat mayroon namang United  Nation, ang organisasyon na tumututok sa problema. Ang palagi naman iniisip nang UN ay ang kapakanan ng kanilang mga miyembro at higit sa lahat ang kapayapaan. Ika nga WORLD PEACE!!!! 



 













WALANG BALANCED DIET, WALANG KINABUKASAN --- -Noreen Sumalinog

   Sa tuwing naririnig ang katagang balanced diet ano ang karaniwang pumapasok sa ating mga isipan? Mga pagkain o inumin na masustansysa.  O di kaya’y para sa kaayusan ng ating pangangatawan.
    Sinasabi na kung hindi balanse ang diyeta natin may posibilidad na  makakaapekto ito sa ating mga blood tissues, sa ating utak at ng buong nervous system. Nakakaapekto rin ito sa ating paglaki. Ang mga problemang ito ay mas madalas nararamdaman ng mga mahihirap.
     Malnutrisyon. Yan ang tawag nila. Ito ay isang kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Sinasabing ang mga malnourish na tao ay walang sapat na kalorya sa kanilang pagkain o hindi kaya kumakain lang ng pagkain na kulang sa kakailanganing protina, bitamina o mineral.
     Ayon sa pananaliksik  ang pangunahing  sanhi ng malnutrisyon ay kahirapan.  Sapagkat kung ikaw ay mahirap lamang wala ka nang masyadong  mabibili sa iyong kakaramput na kita kung kaya’t, kung anu-ano na lamang ang ipapakain mo sa iyong pamilya upang maibsan lang ang gutom. Ni hindi na nga minsan naiisip kung nakabubuti o nakasasama ba sa katawan ang bawat pagkain na ipinapasok sa sikmura. Sa kasamaang pa-lad, ang kadalasang apektado ng malnutrisyon ay ang mga bata.
     Dito sa Pilipinas kalahating milyon sa mga bata na nag-aaral ay nagdurusa sa grabeng malnutrisyon. Ayon sa DepEd o Department of Education 562,262 na mag-aaral sa Kindergarten at Elementarya na pumapasok  sa mga publikong paaralan ay sinsabing “severely wasted.” Ibig sabihin sila ay nasa malalang sitwasyon ng pangangatawan. 
      Ang Probinsya ng Antique ay may pinakamataas na bilang ng mga malnourish na bata sa edad na limang taon hanggang sampung taong gulang. Kasunod ng Antique ay ang mga probinsyang Sarangani, Sulu, Capiz,at Nothern Samar.
    Ayon din sa National Statistical Coordinating Board, tatlo sa sampung pamilya sa Antique ay mahihirap. Sa Central Visayas naman ang Cebu ay ang nangunguna sa malnutrisyon sa taong  2012 at ang dahilan din ay walang iba kundi ang kahirapan.
   Kung ang mga bata ay pumupunta sa paa-ralan na hindi kumakain mawawalan na sila ng ganang making sa mga aralin o di kaya’y mawawalan ng ganang pumasok dahil hindi nila naiintindihan ang mga leksyon sapagkat sila’y gutom. Alam naman natin na sa he-nerasyong ito kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral hindi mo maiahon ang iyong pamil-ya sa kahirapan. Sa panahon ngayon kung ang tao ay walang pera para bumiili ng pagkain na masustansya bibili nalang sila ng pagkain na kaya ng kanilang bulsa kahit masama ito sa kalusugan.
       Minsan lang silang makakain ng masasarap at masustansyang pagkain. Masuwerte na nga sila kung mayroon nakahandang ulam. Kung minsan pa nga ay nagdidildil lang sila ng asin para may lasa ang kanilang kinakain.  Kahit nga ang isang supot ng tuyo ay pinaghahati-hatian pa.
       Sa ngayon,  ang World Health Organization at Department of Health ay nagsagawa ng “Operation Timbang” sa mga lugar na mataas ang kaso ng malnutrisyon. Ang      DepEd rin ay bumuo ng isang programa na school-based feeding program para makatulong sila sa mga malnourish na bata para  kahit papano gugustuhin naman nilang pumasok at mag-aral. Nagkaroon ng proyektong taniman ng mga gulay ang mga pampublikong paaralan upang palakasin ang kanilang panawagan kontra malnutrisyon. Sa kabila ng pagsisikap ng DepEd na matugunan ang problemang ito ay hindi pa rin sapat, dahil sa kakulangan ng pundo.  Kung kaya’t ang nakabenipisyo sa proyektong ito ay ang 42,372 na sinsabing “severly malnourished pupils” o yung malala na ang kondisyon ng pangangatawan.
      Hindi lang tayo dapat laging umasa sa pamahalaan. Dapat tayo mismo ay gumawa ng hakbang upang wakasan ang problemang ito.  Mag-isip ng mga alternatibong paraan upang maibsan ang gutom at higit sa lahat malnutrisyon.
        Wag gutomin ang sarili.  Kinakailangan nating maging malusog at malakas para sa ating kinabukasan.
        Hindi kailangang maging mayaman upang maging malusog. Maging malikhain upang makaiwas sa sakit.

          


Saturday, 20 June 2015

W I K A N G F I L I P I N O, W I K A N G A T I N--- Maria Eloisa Garcia

                  Wika Natin ang Tuwid na Daan! “Sa pamamagitan ng tinig na sumasalamin sa kolektibong karanasan at kasaysayan ng ating bansa, higit pa nating napapalalim ang pagkakaisa at diwa ng bayanihan, sa sarili man nating lupain, o saan man makakatagpo ng kapwa nating Pilipino,” wika ni Pangulong Benigno S. Aquino III mula sa kanyang mensahe para sa buwan ng wika ngayong Agosto 2013.
                  Agosto ang napiling buwan kung kelan ipagdiriwang ang Buwan ng Wika dahil ito ang buwan ng kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon (ika-19 ng Agosto), ang kinikilala nating Ama ng Wikang Pilipino. Napakahalaga ng pamana ni Pangulong Quezon sa atin. Kinumpleto niya ang ating pagka-Pilipino sa pamamagitan ng pagkilala ng wikang Filipino bilang ating pambansang wika. Sa paraang ito, binigyan natin ng kaluluwa ang ating bansa.
Ang kabataan ang pag-asa ng bansa natin. ‘Yan ang paniniwala ni Gat Jose Rizal, ang ating pambansang bayani. Ngunit ang kabataan sa henerasyon ngayon ay masyadong abala sa  pagbihasa sa kanilang mga sarili sa kaalaman patungkol sa mga banyagang wika tulad ng Ingles dahil sa kagustuhan ng mga magulang o ang sariling mapag-usisang kaugalian. Unti-unting nakakalimutan natin ang totoong halaga ng ating sariling wika dahil nabubulagan tayo sa mga bagong natuklasan.
Bakit hindi natin muna pagyamanin ang sariling atin bago tayo maging bihasa sa ibang wika. Ang Mother  Tongue Based Instruction na ipinatutupad ng Department of Education ay napakalaking bagay upang mabigyang pansin hindi lang ang ating wika kundi pati na rin sa mas madaling pagkatoto ng mga mag-aaral. Dahil sa programang ito mas naiitindihan ng mga musmos na estudyante ang mas maraming bagay dahil hindi na nila ito kailangan pang isalin. Mas lubos nilang nauunawaan ang mga kaganapan sa Siyensya at hindi pahapyaw lamang. Hindi naman kasalanan o kaya’y kalapastanganan kung tayo ay matuto ng ibang wika basta ba’t huwag tayong makalimot na tayo ay Pilipino at tayo ay may sariling wika.
Kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit anong banyagang wika ang ating sariling wika. Walang mas makakataba ng puso kundi ang paggamit ng ating sariling wika. Kaya gamitin natin ito para mapatunayan ang ating labis na pagmamahal sa Pilipinas. Lagi nating tatandaan na ang paggamit ng wikang Pilipino ay hindi lamang para sa komunikasyon kundi ito ay ang mahiwagang laso na nagbibigkis sa ating lahat upang tayo ay magkaisa. Ang Pilipinas ay binubuo ng isang matatag na lahi na kinabibilangan ng mga mamamayang nagmamahal nito. Mga mamamayang makatao,maka-Diyos at makabansa. Yakapin natin ang lahing Pinoy at sama-sama nating tuklasin ang tuwid na daan!




Wednesday, 17 June 2015

LABAN NG MARARANGAL - Nhydya Nazareno



“Sex Work and The Law in Asia and The Pacific” ay ang bagong suhestiyon ng United Nations (UN) sa Pilipinas. Sa mas medaling salit: Ang pagsasabatas ng prostitusiyon.
Kung akala mo na malinaw at patas na ang batas para sa LAHAT, akala mo lang iyon. Nilinaw at pinatunayan ng UN na may mga butas ang ating batas.
Patas ba na ang mga nagmamay-ari ng mga estabilisasyong nagbebenta ng mga babaeng mababa ang lipad ay makakawala lang sa pagsasabi na hindi sa kanila nagtatrabaho ang mga babaeng ito? Patas ban a ang mga taong ito na kapag naabusong sekswal ay hindi makapagsampa ng kaso kahit may Anti-Rape Law?
Dapat respetuhin ang karapatan ng lahat ng tao. At ipinakita ng UN sa pamamagitan ng kanilang proposisyon.
Kapag naaprubahan na ito ng gobyerno, magkakaroon na ng malinaw na karapatan ang mga ‘prostitute’. Imoral man ang ginagawa nila, tao rin sila na may mga karapatan. Ang batas na ito ay magbibigay kapangyarihan para ang mga taong may ganitong klaseng trabaho ay mabibigyan ng mga benepisyo at pensiyon.
Si Davao City Mayor Sara Z. Duterte-Carpio ay isa sa mga sang-ayon sa proposisyon ng UN. Kapag tuluyang naaprobahan, maaring magkokontrol ito sa isyu/usapin ukol sa HIV/Aids.
Ngunit kapag mabanggit ang salitang prostitusyon, ang lalabas ay ang kabastosan ng nasabing Gawain at hindi ang lahat ng katotohanan na nasabi. Hindi ba? Bakit ganito? Dahil nakatatak na sa ating mga dugo na ang prostitusyon ay marumi at imoral. Tayo ay mga desenteng Pilipino at hindi tayo pinalaki para mambastos at bastusin.
Sina Cagayan De Oro Councilor Ian Mark Nacaya at Manila Auxillary Bishop Broderick  Pabillo ay dalawa lang sa marami na hindi sumang-ayon. Kapag nasa sa ayon na sa batas ang prostitusyon, ang halaga ng mga babae ay magiging katumbas lang ng isang kagamitan na mabibili sa kahit saan. Ang pagsasabatas nito ay nagmumungkahi lang ng pag-aabuso. Nasaan ang respeto para sa sarili at kapwa?
Mabuti nalang na ang Pilipinas ay patuloy na nakikipagtunggali sa prostitusyon. Lumalaban tayo sa pagiging marangal, lumalaban tayo para sa respeto.
May mga bagay-bagay, kultura at paniniwala na dapat nating igalang.
- Nhydya Nazareno
(DSPC 2011 Editorial Writing, 2nd Place)


ANTI-CYBERCRIME LAW: To Blog or not to Blog? - Jill Dominique T. Nunez

     A wise man once said “We only ask that freedom be returned, we ask for nothing more but we will accept nothing less”, and who is that man you ask? Why, no less than the advocate of freedom of speech himself, Benigno Aquino Jr., who so bravely fought for our country’s rights alongside his equally virtuous wife, Corazon Aquino.
     Ironically, their son, current President of the Republic of the Philippines, Benigno “Noynoy” Aquino III, has approved a law that might revoke the principles his parents stood for.
     The Republic Act 10175 also known as the Anti-Cybercrime Law is an act defining cybercrime, providing investigation, suppression and the imposition of penalties.
     This Bill was proposed; spearheaded by Senator Edgardo J. Angara, co-authored by 36 other lawmakers.
     So basically, to get the gist of this law, authorities can block access to websites deemed offensive and Internet users can be sued for libel by simply liking or sharing content that displeases or sabotages an image of a person or a group.
     Many social media users especially bloggers decry the requisites of this law while others are merely calling it a bluff since they know that a law that grave would be too hard to implement on everyone, because let’s be honest, could the NBI really track down every IP Address that violates their rules?
     A lot of netizens are reacting negatively to the newly passed bill, and with good reason, according to a blogger “The provisions in the law will not only expose tech savvy individuals into potential lawsuits, but also anybody not aware of the implications of their actions online”
     Despite public disapproval, it is without doubt that this Bill raises some good points and is not as evil as people make it appear. Cyber bullying, doesn’t seem that big of a deal to most people but there are actually a lot of cases of cyber bullying that has led to depression, self-harm and even suicide!
     A 15 year old Canadian teenager, Amanda Todd, fell victim to Cyber bullying as images of her breast circulated around the internet through an anonymous cyber bully. That shameful incident eventually led to her suicide.
     You would be lying if you said that the internet hasn’t gone out of hand these days and although trolls, bashers, posers and cyber bullies are just a part of the harsh realities of the online world, it would be a little relieving to know that we now have a legal backing that should serve some real-life justice to the online baddies of the virtual world.
      According to the Presidential Spokesperson Edwin Lacierda “The Cybercrime Act sought to attach responsibilities in cyberspace, although freedom of expression is always recognized it does not mean it is absolute”.
     In other words, we should have limitations, and if everything sails smooth, maybe by then we could be more responsible and respectful netizens and learn to treat others as significant members of this opinionated society, and with that said, it is of your own choosing if RA10175 is a Yay? Or a Nay?

-Jill Dominique T. Nunez
(DSPC Editorial Writing, 1st Place)


Monday, 15 June 2015

MANINGNING NA UPUAN - Rona Joyce T. Fernandez

   “KAYO po na nakaupo, subukan niyo namang tumayo, at baka matanaw, at ninyo ang tunay na kalagayan ko.”
    Ang mga katagang ito ay nagmula sa awiting isinulat at kinanta ng bantog na rapper na si Gloc9. Ang kantang ito ay umani ng batikos mula sa ilang bahagi ng pamahalaan at lumikom rin ng puri mula sa mga mamamayang Pilipino. Ito ay tungkol sa mga anomaliyang nagaganap sa bansa at sa pagbubulagbulagan ng mga pinuno sa mga problema ng sambayanang naglagay sa kanila sa kapangyarihan.
    Bakit ko ito nabanggit? Dahil ang mga kalapastangang inaakala nating nagaganap lamang sa gobyerno ay nangyayari rin sa pangkaraniwang tao at ito ay isang uri ng pang-aabuso.
     Ang pang-aabuso ayon sa Wikipedia, ay ang maling pagtrato para sa masamang hangarin, malimit para makakuha ng benepisyo. Ito ay maaaring pisikal o berbal na pagmamaltrato, pinsala, panggagahasa at pagmamaliit sa kakayahan ng iba upang makamit ang pansariling hangarin.
      Ayon sa ating bayani na si Emilio Jacinto sa kanyang kathang Ang Liwanag at ang Ningning, “Ang ningning ay nakasisilaw sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya.”
      Sa kasawiang palad, dumadami na ang bilang ng taong bulag, pipi at bingi. Bulag sa katotohanan, pipi sa katarungan at bingi sa hinaing ng mga mamamayan. Hindi rin mapagkakaila na ang pang-aabuso ay nangyayari rin sa maliliit na lipon. Tandaan, may maraming uri ng pang-aabuso. Kaya sa kasalukuyang henerasyon, sana ay putulin ninyo ang kadena ng bulok na sistema ng pamamahala na ating nakasanayan. Sa taong may sala, ito ang aking mensahe: “Huwag kang masyadong halata, bato, bato, sa langit ang matamaan ay huwag magalit.”













CAMPUS DILEMMA: THROWING EDUCATIONAL CAPABILITIES HASTILY. DEMANDING EXPENSIVE, CAREERS TO SKATE. - Rona Joyce T. Fernandez

        Are you beginning to question your “manliness” because unlike the other guys your age at school, you do not possess finger boarding skills? The others know how to let their boards fly, and you cannot even hold a board “properly”. Others let their hands be beaten until it turns black and blue just to pay the price of being unable to carry out a back slide three flip. Before you begin questioning your masculinity, try asking yourself this: What is so significant about this anyway?
       A fingerboard, according to Wikipedia, is a working replica of a skateboard that a person “rides” by replicating skateboarding maneuvers with their hand. The device itself is a scaled-down skateboard complete with moving wheels, graphics and trucks. Here in school, it is widely known as the “tech deck.”
     Finger boarding has been evolving fast these days. It has become like a fashion trend in which everyone tries to fit in, and everyone craves for. A survey done by the Young Writers’ Club state that eight out of ten fourth year and third year male students are tech deck users. It turns out, these eight are members of those who casually fail on quizzes and are not active participants of class oral activities. Isn’t this something to worry about?
     The horror is yet to surprise you. The grade school department is also slowly adapting the same “trend” and is even more prone into speaking foul languages every time they fail to perform a trick correctly. Isn’t this much more devastating?
     Tech deck obsession has turned into an endemic campus disease that has captured the young generation. Do you find anything significant in spending a thousand just for a board? Plastic or wood, what is the difference? Maybe only tech deck users could answer this but there are more important things to buy than just plain boards. Why not buy a pad paper than to be a parasite every time a teacher gives out a quiz. Why not use your time wisely by reading your lessons ahead of time; you cannot always sit with a “generous” seatmate. Why not set a good example to the young ones. Would that make you proud if you have a grade three student define a back slide three flip when he could not even add twenty three plus nineteen? Please, act your age and put some common sense with it.
    Imagine yourself finger boarding at school with your friends, having the time of your lives screaming SKA and laughing boisterously, fun isn’t it? Now put yourself in your teacher’s shoes, you are in the middle of your discussion and here goes the SKA thing, what would you feel? This does not deprive you from enjoyment and encourage student cerebral zombies.
    Tech Decks give leisure and happiness for students after hours of listening to scientific formulas, grammar rules and historical events. There is nothing wrong about boarding as long as you do not ignore your responsibilities as students. You know that you have to set boundaries between mere fun and learning. The real question here is: could you finger board your way to success?